Nanood kami kanina ng
Kasal Kasali Kasalo, ang ganda pala nun, lol! Maganda yung story, pati yung pag-arte, parang totoo. Naisip ko lang, masyadong optimistic ang movie. Kahit nilagyan pa nila ng tatlong klaseng problema ang story, tingin ko parang it's still beyond reality.
Surreal.
Ewan ko. Cynical na kung cynical pero parang 1% na ang possibility na mangyari ang ganung mga sitwasyon sa totoong buhay. Tingin ko kasi hindi na ganun kaaayos ang utak ng mga tao ngayon. Wala na akong tiwala sa kanila. Minsan naisip ko na lang na pumasok na lang sa kumbento (
pero mahal pa rin kita, kuneho ko~ at alam kong naiintindihan mo ako XD~~~) sa sobrang takot magpakasal. Iniisip ko pa lang yun, nanlalata na ako. Problemang ibibigay sa akin ng asawa ko, anak ko, kamag-anak ko, pati mga kaibigan na rin sigurado, at lalong lalo na yung mga taong hindi ko din kilala na posibleng ma-involve din, tingin ko hindi ko kakayanin. Lalo na ngayong matalino na ang mga tao, matalinong tuso. Hindi na yata uso ang sharing ngayon, dapat laging may lalamang sayo. At hindi lang lamang, hahatakin ka pa pababa. Akala nyo walang ganun sa buhay may asawa? Meron noh! Bakit ko alam? May mga kilala akong ganun. At marami sila. At ayoko sa kanila. Sana hindi dumami lahi nila.
Ang bait bait ko talaga promise.